ni Danny Estacio
CALAMBA CITY, Laguna- Naaresto ng mga awtoridad ang isang suspek sa pagpatay na may nakalaang pabuya sa pagkakadakip sa kanya sa lungsod, nitong Biyernes ng umaga.
Ang suspek ay nakilalang si Dennis Entilla, 44,drayber,at taga-Purok 3, Bgy. San Cristobal ng nabanggit na lungsod, ayon kay Lt. Col. Jonathan Villamor, hepe ng Calamba City Police.
Dakong alas-10:30 ng umaga nang arestuhin ng pulisya si Entilla sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Caesar Buenagua ng Regional Trial Court 4thJudicial Region, branch 37 sa Calamba City.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.