Nitong nakaraang araw, Namatay si Rolando de la Cruz, 67-anyos, isangbalutvendor, habang pumipila sa isang community pantry na inilatag ng aktres na si Angel Locsin sa Barangay Holy Spirit, Quezon City para sa kanyang kaarawan.
Dakong 3:00 ng madaling araw pa lamang, mahaba na ang pila, nagkabigayan na ng stub sa unang 300 na pumila. Gayunman, marami sa mga ito ay nagmula pa sa malayo kaya aligaga ang mga bgy. tanod na ipatupad ang social distancing.
Samantala, ang ilang kilometeong pila na na-upload ng isang motorista na viral video clip sa Maginhawa Street ay naging ilang kanto na lamang.
Tila hindi mawari ng mahihirap ang ginagawang nakagagalit na red-tagging na nag-udyok sa mga pinuno ng National Privacy Commission at ng Commission on Human Rights na kalampagin ang pamahalaan sa nasabing usapin.
Ang“Maginhawa” phenomenon ay nagpapakita lmang na kailangan nang paigtingin ang ipaiiral nasocial safety nets para sa mga mahihirap.
Naging magulo ang income distribution sa Pilipinas. Kumikita lamang ang 66 porsiyento o dalawa sa tatlong pamilya ng P700 kada araw para sa limang katao.
Mayroon dingmiddle class band na kumikita ng hanggang tatlong beses pa.
Ang isang porsiyentong pinakamayaman ay may buwanang kita na lagpas pa ngP50 milyon.
Nitong Abril 2019, pinirmahan ni Pangulong Duterte at naging batas ang Republic Act No. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act. Mas kilala bilang 4Ps program, ito ay sinimulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bago ito nagsilbing flagship anti-poverty program sa administrasyon President Benigno Aquino III.
Karamihan sa benepisyaryo ng 4Ps ay mga magsasaka, mangingisda,indigenous peoples, walang bahay, nasainformal settler sector, nakatira sageographically isolated at disadvantaged areas at mga lugar na walang elektrisidad.
Kabilang din dito ang unang dalawang Bayanihan emergency law na nagbibigay-diin sa ayuda sa mga kapamilyant kapus-palad.
Gayunman, marami pa ang nangangailangan nito kahit niluwagan na ang lockdown. Hindi pa lubos na naipamamahagi ang pinakahuling ayuda na P4,000 kada pamilyang binubuo ng apat na miyembro nito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Ikinokonsidera ba ng gobyerno ang pagpapatupad ngsocial safety nets na lagpas sa kasalukuyang ibinibigay ng 4Ps program sa patuloy na lumalaking bilang ng mahihirap at gutom na pamilya?
Ang‘Maginhawa’ ay isa sa tatlong hangarin ng AmBisyon 2040, ang long-term program for sustainable socio-economic growth and development ng bansa:Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay.
Ang pagiging maginhawa o ang kapanatagan ng katawan at lakas ng pag-iisip ay kada araw na hamon para sa milyun-milyong mahihirap na pamilya. Nanaisin nilang tumanggap ng tulong o ayuda mula sa kanilang mga kapitbahay habang hindi pa nailalatag ang maigting nasocial safety nets.