ni BELLA GAMOTEA

Nanawagan ang mga alkalde na miyembro ng Metro Manila Council (MMC) sa mga organizers ng community pantries sa Metro Manila na magkaroon muna ng koordinasyon sa kanilang aktibidad sa mga nakasasakop na local government units (LGUs) upang masiguro ang wastong pag-obserba sa COVID-19 protocols.

Bagamat pinupuri ang bayanihan spirit ng mga Pilipino sa community pantries na nagsulputan sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, binigyang-diin ng MMC sa bisa ng Resolution No. 21-08 Series of 2021, ang kahalagahan na maabot sa pagbaba o downward trend two-week growth rate (TWGR) ng COVID-19.

“While the organizers of community pantries exemplify collective charity and concern for the plight of the underprivileged and are truly worthy of emulation, support, and praise, the primordial minimum public health standards under the prevailing community quarantine must remain paramount,” ayon sa resolusyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The sacrifices endured and gains accumulated during the ECQ and MECQ must not be put to waste by a disregard of the prohibition on mass gatherings, observance of social distancing, and the wearing of face masks and face shields.”

Nitong Sabado sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, at kasalukuyang chair ng MMC, na ang advance coordination ay magpapahintulot sa LGUs na magtakda ng mga pag-iingat upang matiyak na maoobserba ang physical distancing at ibang public health protocols sa mga community pantries.

“As the community pantries intend to extend assistance to our kababayans, let us be reminded that aside from giving food at this time, one of the noblest kind of help is making sure that they are not at risk of acquiring the virus which, at worst, can cost their lives,” pahayag ni Abalos.

Pinaalalahanan din ni Abalos ang mga indibiduwal na may edad 17 pababa at mga senior citizens na manatili sa kanilang tahanan alinsunod sa pamantayan o guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ang naturang resolusyon ay kaisahang aprubado ng lahat ng mga alkalde o local chief executives ng Metro Manila nitong Biyernes, Abril 23.