ni Fer Taboy

Isang guro na umano’y nahawaan ng coronavirus disease 2019 ang pinaghihinalaang nagpatiwakal sa Tumauini, Isabela, kamakailan.

Hindi na isinapubliko ni Maj. Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Municipal Police, ang pagkakakilanlan ng gurong nakatalaga sa Regional Science High School sa nabanggit na bayan. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago umano matuklasan ang insidente ng biktima ay nakikipaglaro muna ang guro sa 4-anyos na anak na lalaki.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Naging ugali na rin umano ng guro na patulugin ang kanyang anak sa loob ng kanyang kuwarto, gayunman, napansin umano ng kanilang kasambahay na hindi lumabas ito ng kuwarto hanggang sa matuklasang wala ng buhay ito.

Bago aniya ang pagpapakamatay ay napansin ng kanyang mga kapatid na tila maysakit ito kaya isinailalim sa swab test ang kanyang bangkay.

Sinabi ni Gatan, nakausap niya ang Municipal Health Officer ng Tumauini at kinumpirmang nagpositibo sa COVID-19 ang guro.