PORMAL ng naitakda muli ng International Basketball Federation (FIBA) ang tapatan ng Gilas Pilipinas at ng mahigpit nitong karibal na South Korea sa Hunyo 16 at 20 para sa final window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na nakatakdang idaos sa Clark, Pampanga.
Nagsimulang ilabas ng world basketball governing body ang bagong schedule noong Huwebes.
Mula noong 2013, hindi pa nananalo ang Pilipinas kontra sa South Korea sa kahit anong international tournaments.
Huling nagwagi ang pambansang koponanng bansa kontra sa mga Koreyano noong gapiin ng koponang nasa ilalim ng paggabay ni Chot Reyes sa semifinals ng 2013 FIBA Asia Championships sa larong idinaos sa Mall of Asia Arena na nagsulong sa Gilas sa 2014 FIBA World Cup pagkaraan ng 36 na taon.
Bukod sa Korea,makakaharap don ng Gilas ang national team ng Indonesia sa Hunyo 19. Nuna ng tinalo ng mga Pinoy ang Indonesians, 100-70, sa una nilang pagtutuos noong Pebrero 2020.
Maliban naman sa mga laro sa Group A, magsisilbi ring host ang Clark para sa last window games ng Groups B at C sa loob ng isang bubble set-up sa Hunyo.
Kasama rin ng Gilas l, Indonesia at South Korea sa Group A ang Thailand. Binubuo naman ang Group B ng Chinese Taipei, Japan, Malaysia, at China habang magkakasama naman sa Group C ang Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gilas na ngayo'y nangingibabaw sa Group A taglay ang markang 3-0, panalo-talo upang makadiretso sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Jakarta sa Agosto.
Nauna ng inilahad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na ang koponang isinabak nila sa second window ng qualifiers noong Nobyembre sa Bahrain ang sya ring kakatawan sa bsnsa sa last window.
Madadagdagan lamang ang nssabing roster ni Gilas 7-foot-5 Filipino basketball prodigy na si Kai Sotto na nangakong lalaro pa rin sa national team sa darating na FIBA Asia Cup qualifiers at sa Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo na gaganapin sa Belgrade, Serbia gayundin ng mga bagong cadets na napili noong nakaraang PBA Rookie Draft. Marivic Awitan