ni Bert de Guzman

Ginisa ng Kamara sa pagdinig ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa pagkabalam ng pagpapatibay sa bagong mga drug applications, kabilang ang ilang mabibisang gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sunud-sunod na kinuwestiyon ng mga kongresista si FDA General Manager Eric Domingo hinggil sa guidelines at mga patakaran ng FDA at ng Department of Health (DOH) na nakahahadlang sa pagkakaloob ng serbisyong-pangkalusugan sa publiko, laluna ngayong may pandemic.

Idinahilan ni Committee chairman DIWA Party-list Rep. Michael Edgar Aglipay na dapat bilisan ng FDA at DOH ang pagpapatibay sa mga aplikasyon upang masawata ang pagkalat ng coronavirus at mga variants.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR