Pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205  at 206   ang kahilingan ng nakakulong na si Senator Leila de lima na dagliang  makalabas (emergency medical furlough) ng tatlong araw mula kahapon. upang sumailalim sa medical  test matapos itong makaranas ng  mild stroke kamakailan.

Inatasan din ni Judge Leizel Aquiatan ng Branch 205  ang  kampo ni De lima, kabilang na ang kanyang mga abugado, kinatawan at kamag-anak na huwag maglabas ng mga pahayag  habang ito ay nasa medical vacation. 

Nitong  Abril 21, nakaranas si  de lima na sakit sa ulo, panghihina kaya't agad itong  kumunsuta  sa kanyang manggamot na si Dr, Meophila Santos-Cao, na nagsuspetsa naman na maaaring na-mild stroke ang senadora. 

Kaagad namang inirekomenda ng doltor nito na sumaillalim si de lima sa Magnetic Resonance Imagimg (MRI), gayunman,  wala naman  ganitong pasilidad ang Philippine National Police- General  Hospital  (PNP-GH) kaya't iminungkahi nito na sa Manila Doctor's Hospital na isagawa ang  pagsusuri.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR