ni ZALDY COMANDA

CAMP DANGWA, Benguet – Mahigit sa P62.9 milyong halaga ng dahon ng marijuana at marijuana bricks, ang sinunog at nakumpiska, kasunod ng pagkakahuli ng dalawang transporter sa magkahiwalay na operasyon sa Kalinga at Mt.Province, kamakailan.

Iniulat ni Kalinga Provincial Police Director Davy Limmong kay Cordillera Police Regional Director Brig. Gen. Ronal Lee, ang tatlong plantasyon na nadiskubre sa bulubundukin ng Bgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Limmong, resulta ito ng dalawang araw na operasyon ngKalinga Provincial Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency, Criminal Investigation and Detection Group at Naval Forces Northern Luzon, nitong Abril 21-22.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nagkakahalaga, aniya, ng P59,360,000 ang nasabing iligal na droga.

Naharang naman sa checkpoint ng mga tauhan ng Sadanga Police at PDEA ang dalawang transporter na nakilalang sina Louigie Erguiza Param at Bernard Hope Poyaoan Bravo II, kapwa 22 taong gulang at taga-Sta Mesa, Maynila, noong Abril 23.

Lulan ng isang black Toyota Sedan ang dalawang suspek nang harangin sila sa checkpoint sa Sitio Ampawelin, Poblacion, Sadanga, Mountain Province, matapos itimbre sa pulisya na may lulan itong marijuana mula sa Tinglayan, Kalinga at padaan ng Bontoc, Mt. Province.

Nakuha sa kanilang sasakyan ang 30 bricks ng dried marijuana at isang tubular form, na may kabuuang timbang na 30.75 kilosat may halagang P3,609,000.