MULING nanalasa si PH chess wunderkind Oshrie Jhames "OJ" Constantino Reyes ng Santa Rita, Pampanga matapos magkampeon sa 2021 National Youth & Schools Chess Championship - Visayas Leg nitong Huwebes sa Tornelo platform.
Ang 9-anyos Grade 4 student ng EZEE, Guagua, Pampanga, ay nakapagtala ng highest output na perfect 7 points para maghari sa 7-round Swiss system competition, Under-15-Boys division na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa gabay ni Chairman/ President Senior Deputy Speaker Prospero “Butch” Pichay Jr. sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commisison at ni tournament director Grandmaster Jayson Gonzales.
Tumapos si Cyrus James Damiray ng Tanza, Cavite ng second na may 6 points.
Nakaipon naman sina Robert James Perez ng Lipa City, Batangas, Mark Jovan Ventayen ng Lingayen, Pangasinan at Joshua Manire ng San Pedro, Laguna ay tumapos ng identical 5 points habang sina Allan Gabriel Hilario ng Manila at Josh Castro ng General Trias City, Cavite ay ang nag kumpleto sa top seven finishers na may tig 4.5 points.
"Congrats kuya Oshrie Jhames Constantino Reyes for the impressive performance (perfect score 7/7 pts) of bringing another crown in the recently concluded Nationwide prestigious National Youth & School Online Chess Championship , Visayas leg Qualifying U15. Keep it up kuya OJ,” pahayag ni Jubail, Kingdom of Saudia Arabia based Jaime “Jimmy” Reyes, ama at coach ni OJ.
Ratsada si Reyes sa online tournament kung saan siya din ang nangibabaw sa National Youth & School Championship , North Luzon Leg qualifying U13 at GM Eugene Torre Search for kiddies Grand Master U12 2nd leg.
Nakilala si Reyes sa chess world matapos manalo ng three (3) silver medal sa 20th ASEAN + Age Group Chess Championship sa Myanmar dalawang taon na ang nakalilipas.