Ni Edwin Rollon

UMANI ng paghanga ang Barangay Ginebra sa taglay nitong ‘Never-say-die’ spirit. Sa panahon ng ‘bubble’ at sa gitna ng pakikipaglaban sa pandemya, higit kailanman kailangan ang katatagan at determinasyon para sumulong ang buong Barangay.

Sa tinaguriang ‘new normal’, magbabalik muli sa ‘bubble tournament’ ang Ginebra at asahan ang mas matikas na Gin Kings tangan ang ‘Bagong Tapang’.

“Maraming pagsubok talaga ang dumating sa ating mga kababayan dahil sa pandemic. Kahit kami, dumaan sa matinding pagsubok. Tulad ko, kinailangang kong magsakripisyo na wala sa tabi ng Misis ko sa araw ng kanyang panganganak sa bunso namin,” pahayag ni Ginebra star guard LA Tenorio.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Para sa aming mga tagahanga, talagang nagpursige kami kahit malayo sa pamilya at talagang napakasaya namig dahil sa ‘Bagong Tapang’ na nakuha namin nanalo kami sa TNT at nakuha ang kampeonato sa bubble,” sambit ni Tenorio.

Kinatigan ito ng kanyang kasanggang si Scottie Thompson.

Aniya, napakalungkot ng sitwasyon na hindi niya nadalaw ang namayapang lola dahil sa pandemic at sa kasalukuyang laban ng Ginebra sa bubble, ngunit dasal at katatagan ang ipinanlaban niya para malagpasan ang hamon ng buhay.

“Tulad naming, hirap at nangangailangan ng ‘Bagong Tapang’ sa buhay ang ating mga kababayan. Kami po sa Ginebra ay kasangga ninyo para sa paglaban sa anumang problema at pasakit sa buhay,” sambiot ng one-time MVP.

Tulad ng ‘Never-say-die’ spirits, mailalarawan ang ‘Bagong Tapang’ ng Ginebra Kings sa pagbabalik aksyon suot ang ‘Bagong Tapang’ jersey na inilunsad ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) kamakilan bilang bahagi ng pakikiisa at pagtulong sa sambayanan sa gitna ng kinakaharap na krisis dahil sa pandemic.

Ang “Bagong Tapang sa One Ginebra Nation Jersey and Cap Collection Promo” ay makapagbibigay ng pagkakataon sa Ginebnra basketball fans na makapili at makakolekta ng mga jersey at iba pang merchandise ng koponan.

Kasama nina Tenorio at Thompson sa ginanap na jersey and cap collection promo virtual media launch nitong Huwebes sang mga kabaranggay na sina Stanley Pringle (11), Japeth Aguilar (25),at Mark Caguioa (47). Simula sa Mayo 1 hanggang Hunyo 30, 2021, makukuha ng Ginebra fans ang limited-edition merchandise na One Ginebra Nation jersey sa halagang P100 o P150 para sa One Ginebra Nation cap kalakip ang anima na (6) seals o caps ng anumang produktong Ginebra San Miguel, GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin at Primera Light Brandy.

“To underscore the need for unity during these times, we partnered with Gawad Kalinga and through the promo, we aim to support GK’s Barangay Walang Iwanan program that helps Filipinos who are severely affected by the pandemic. We hope to encourage Gin Kings fans and our consumers to ‘put on’ a Bagong Tapang kind of courage and to wear this kind of Bagong Tapang for others to see and emulate,” pahayag ni GSMI General manager Noli Macalalag.

Sa bawat jersey o cap na makukuha ng basketball fans at consumers, ang halaga nito ay mapupunta sa GK’s Barangay Walang Iwanan program na sumusuporta sa pangangailangan ng mga magsasaka sa Sariaya, Quezon, gayundin sa mga mangingisda sa Barangay Bagumbayan, Pililla, Rizal.

“Bagong Tapang sa One Ginebra Nation Jersey and Cap Collection” merchandises are available for redemption at selected Puregold and other redemption outlets nationwide. To confirm the merchandise’s authenticity, an authentication patch can be found on the lower left part of the jersey, while an authentication sticker is attached to the cap,” aniya.

Para sa karagdagang detalye, mag-log sa www.ginebra.com.ph, official Facebook page ng Ginebra San Miguel www.facebook.com/barangayginebra o tumawag sa GSMI customer care hotline sa tel. blg. 8632-2564.