ni NEIL RAMOS

Mabilis na naglabas ng apology ang aktres na si Angel Locsin ilang minuto matapos ang trahedya na nangyari sa isang community pantry na inorganisa niya bilang bahagi ng kanyang ika-36 na kaarawan.

“Pasensya na po. Hindi po ito ang intensyon ko. Gusto ko lang po makatulong sa mga tao,” pahayag ni Angel sa isang video statement na ipinost sa Instagram.

Ipinaliwanag ng aktres na ginawa nila ang lahat upang maging sistematiko at organisado ang lahat ngunit sa hindi inasahan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ang pagkaka kuwento sa akin may mga walang stubs na sumingit sa pila kaya nagsiksikan,” aniya.

“Pasensya na po. Sa mga hindi po nabigyan, gusto ko man mag-abot pero baka hindi na kami payagan,” dagdag pa ni Angel.

Dinagsa ng tao ang Titanium commercial building sa Holy Spirit, Quezon City upang makahingi ng gulay at iba pang pagkain sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin bilang regalo sa mga tao na apektado ng pandemya, kasabay ng kanyang kaarawan nitong Biyernes. ALI VICOY

Samantala, tila unaware pa ang aktres sa namatay na senior citizen.

Ayon sa a police report, kinilala ang senior citizen na si Rolando dela Cruz, 67, na sinasabing hinimatay habang nakapila sa community pantry.

Kalaunan ay binawian ito ng buhay sa ospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng matanda.

Dinagsa ng publiko ang pantry ni Angel na matatagpuan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Biyernes ng umaga.

Marami ang nahikayat na magtungo roon matapos inanunsiyo ng aktres sa social media ang tungkol sa bubuksan niyang community pantry.

Sa post ni Angel:

“Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here…”