ni ORLY BARCALA

Kakaiba ang bersiyon ng itinayong community pantry ng isang broadcaster dahil may mga hugot at patama ang slogan nito sa Pangarap Village, Caloocan City.

Idinahilan ni Gani Oro, nais lamang nitong matulungan ang kanya mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

“Magtira para sa iba, may CCTV Camera. ‘Wag abusado kung ayaw mong mag-viral, magbigay ng bukal sa kalooban, kumuha ayon sa pangangailangan at "puwedeng magbigay ang pulitiko, huwag lang mamulitika,"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa mga residente na pumipila para kumuha ng kanilang pangangailangan, dapat lamang na makonsensiya na ang mga kumukuha sa community pantry ng sobra- sobra.