UMIINIT pa rin ang alitan sa pagitan ng mga pribadong ospital at ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). sa gitna  ng hindi matapos-tapos na pandemya at panawagan sa Department of Health (DOH) para sa karagdagang mga kama at pasilidad,  inihayaf ng mga may-ari ng mga ospital na napipilitan silang magtanggal ng mga healh worker kasabay ng paglaki ng matatanggap ng PhilHealth na aabot sa P30 bilyon.

Pasan ngayon ng mga pribadong ospital ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging tertiary health care kasunod na rin desiyon ng DOH na limitado lamang ang nakabukas nilang district hospitals sa regional at urban centers. Ipinakikita nito ang matinding katotohanan na hanggang pito lamang sa kada 10 Pinoy na nabunuhay ang namamatay na hindi nagpapakonsulta sa doktor.

Nitong nakaraang taon, sumingaw ang umano’y korapsyon sa PhilHealth na nagresulta sa pagbibitiw sa puwesto ng Pangulo nito at matataas pang opisyal ng ahensya at hanggang sa maimbestigahan ito ng Department of Justice.

Itinalaga sa PhilHealth ang isang dating hepe ng National Bureau of Investigation na isa ring certified public accountant, bilang Pangulo nito hanggang sa tumahimik na ang usapin kasunod nang paglabas sa balita ng ibang usapin.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Kaagad na kumilos ang Senado upang mag-imbestiga para alamin kung may kakayahan pang mabuhay ng PhilHealth. Inirekomenda ng isa sa principal nito na italaga ang Finance Secretary bilang chairman of the Board, kahalili ng kalihim ng DOH, upang mapatatag pa ang fiduciary responsibility ng ahensya upang “maprotektahan ang national health insurance fund niro.”

Dahil dito, nagkaroon ng seryosong katanungang, “may sapat pa ba na pondo ang PhilHealth?

Sa paghahambing sa kanilang nailathalang financial statement noong Setyembre 30, 2020 at Disyembre 31, 2019 kung saan ang principal source of funds nito ay nagkarroon nang pagtaas sa Benefits Payable na P31.9 bilyon, kabilang ang P28 bilyong receivables o reimbursement claims sa mga pribadong ospital. Ang pangunahing pinaggagamitan ng pondo ay tumaas sa Premium Receivables ng P24.9 bilyon at Other Receivables (kabilang ang kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism na inilatag ng PhilHealth management nitong nakalipas na taon) last year) ng P7.2 bilyon.

Sa simpleng termino, hindi nakukuha ng mga pribadong ospital ang kanilang reimbursement claims dahil hindi kaagad nakokolekta ng PhilHealth ang receivables nito. At sinu-sino ang mga may utang sa PhilHealth? Nagmumula sa “formal economy” o mula sa mga pribadong indibidwal at mga kumpanya ang level of receivables nito na aabot sa P7 bilyon.

May utang ang national government sa PhilHealth ng P26 bilyon habang aabot naman sa P600 milyon ang utang ng local government units.

Ang mga atrasong matatanggap para sa karaparatan ng mga senior citizens at Bangsamoro residents, sa PhilHealth benefits alinaunod na rin sa naisabatas n Universal Health Care Act. Ang pagpaptupad ng expanded compulsory coverage ay isinagawa bago pa maramdaman ang pandemya.

Dapat na kumilos ang gobyerno nang mabilis upang humusay ang operasyon ng mga private hospital. Dapat na paangatin ng PhilHealth ang lebel ng pananagutan sa publiko at kalidad ng pamamahala nito.