Ang pagdiriwang ngayong taon ng Earth Day ay markado ng unang Nationally Determined Contribution (NDC) ng Pilipinas, na inaprubahan ni Pangulong Duterte, na nagtatakda ng 75-porsiyentong greenhouse gas (GHG) reduction at avoidance pagsapit ng 2030, upang maisakatuparan ang naging pangako ng bansa sa Paris Agreement on Climate Change.
Sa loob ng 2020-2030 dekada, hangad ng bansa ang pagbabago sa pagpapatupad ng isang low carbon at resilient development strategy sa mga pangunahing sektor: Agrikultura, waste, industriya, transportasyon at enerhiya. Basehan ng bansa ang inaasahang cumulative economy-wide emission na 3,340.3 metric tonelada ng carbon dioxide equivalent gases para sa katulad na panahon.
Ipinanawagan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang prinsipyo ng climate justice.Bilang itinalagang pinuno ng Climate Change Commission, na namamahala sa isang multi-sectoral NDC formulation process, binigyang-diin niya na ang NDC ang magiging pangunahing kasangkapan ng bansa “[to] mitigate the climate crisis and make our economy more resilient and our growth sustainable.”
Kumpara sa naunang 70 porsiyentong target na itinakda ng bansa noong 2015, ang bagong NDC na 75 porsiyento ay kumakatawan sa mahalagang pag-angat sa GHG reduction. Sa pagkokonsidera na ang Pilipinas ay isang low carbon-emission na bansa, ang 72.29 porsiyento ay “conditional” o nakabatay sa suporta ng climate finance, technologies at capacity development, na dapat ipagkaloob ng mga mayayamang bansa, tulad ng iniatas sa Paris Agreement. Ang natitirang 2.71 porsiyento ay “unconditional” o kailangang ipatupad gamit ang domestic resources.
Malinaw ang kabalintunaan. Ang global warming, ang penomena na nagdudulot ng nakakagambalang alternatibong klima tulad ng El Niño at La Niña, ay nagdulot na ng serye ng mapaminsalang mga bagyo sa Pilipinas na kumitil sa libu-libong Pilipino at nag-iwan ng malawak na pinsala sa mga bahay at kabuhayan.
Ayon sa iginagalang na GermanWatch na matagal nang naglilimbag ng isang Global Climate Risk Index sa loob ng halos dalawang dekada, ikaapat ang Pilipinas sa mga bansa sa usapin ng Long-Term Climate Risk Index. Base sa isang 10-year survey mula 2000 hanggang 2019, ang bansa—kasama ng Puerto Rico, Myanmar at Haiti -- ay “recurrently affected by catastrophes” at dulot ng matinding epekto ng “exceptionally intense extreme weather events” tulad ng Bagyong Yolanda (Haiyan, 2013), Pablo (Bopha, 2011), Sendong (Washi, 2011).
Ang pag-abot sa NDC ay kinakailangang magsimula kung saan may pinakamataas na
energy consumption. Sa mga pag-aaral lumalabas na halos kalahati ng enerhiyang nililikha ng fossil fuel ay ginagamit sa mga gusali: ilaw, pagpapalamig, kabahayan, pabrika at opisina. Habang ang ibang bahagi ng enerhiyang nagagamit sa transportasyon: trak, bus, kotse at mga transit.
Pinasimulan ng United Nations at ng Asian Development Bank ang mga proyekto upang bumuo ng mga sustainable cities sa Pilipinas na maaaring maging modelo tungo sa mas makakalikasan at marangal nakapaligiran. Ang mga siyudad ng Lipa, Tagbilaran at Cagayan de Oro ay tinutulungan sa pagpapalakas ng kanilang environmental planning at management sa suporta ng UN-Habitat at UNEP global Sustainable Cities Program.Ang Iloilo City ay umusbong din bilang huwaran sa usapin ng urban planning kasama ang pangmatagalang-plano upang paluwagin at palawakin bilang Jaro district.
Ang mga “green cities” na ito ang maaring maging simula para sa isang matatag at resilient na hinaharap.