HINILING  ni Senador Win Gatchalian sa  Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) na imbestigahan na ang napaulat na  biglaang pagtigil ng operasyon  ng ilang power plants sa Luzon na nagdulot ng pagtaas ng singil sa kuryente.

Aniya, kailangang pagtuunan ng pansin ang mga logistical concerns na kinakaharap ng ilang power producer upang mapigilan ang pagsasarang iba pang planta sa mga darating na araw.

Nangangamba rin ito na baka makaapekto sa COVID-19 vaccine rollout na inaasahang magtutuloy-tuloy na sa Mayo o Hunyo ngayong taon.

“Dapat gumalaw dito ang ERC dahil noong November 2020, naglabas sila ng isang polisiya na lahat ng planta ay dapat makapag-deliver batay sa tinatawag na reliability index. Kapag bumagsak sila doon sa polisiya ng ERC at hindi nila ma-justify kung bakit pumalya ‘yung planta, magmumulta sila,” aniya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Leonel Abasola