PLANO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpatayo ng mga istruktura sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, isa ito sa hakbang ng gobyerno upang igiit ang soberanya ng Pilipinas sa pinag-aagawang lugar na pinapasok na ng mga barko ng China.

Aniya, amg paglalagay ng istruktura saExclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ay kabilang sa pinaplanong estratehiya upang mapatatag ang paninindigan ng Pilipinas sa WPS, lalo na sa pagpoprotekta sa mga mangingisdang Pinoy na naiulat na itinaboy ng mga Chinese vessel.

“We are also entertaining the idea na magtatayo ng structures sa naturang lugar katulad ng ginagawa din ng China kase ang dahilan kung bakit hindi tayo nagtatayo dyan noong araw kasi may usapan na wala dapat magpatayo,” aniya.

ALAMIN: Listahan ng mga holiday para sa 2025

“Subalit ‘yun ay nilabag ng China kaya dapat magpatayo na tayo starting now and again that is subject to the consideration of the NTF (National Task Force on the West Philippine Sea),” paliwanag pa ng opisyal.

Aaron Recuenco