IPINAALAM ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa mga miyembro ng Kamara na 12 hanggang 13 milyong doses ng bakuna ang nakatakdang dumating sa Pilipinas sa kalagitnaan ng taon.

Sa magkasanib na pagdinig ng House Commmittee on Health at ng House Committee on Trade and Industry, sinabi ni Galvez na ang mga bakuna ay mula sa inorder ng gobyerno at pribadong sektor sa iba't ibang vaccine manufacturers.

Ang mga bakuna na nakatakdang dumating ay ang Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca at Pfizer mula sa World Health Organization-led COVAX Facility at Sputnik V mula sa Russia.

Dahil sa pagdating ng mga bakuna, sinabi ni Galvez na magiging 120,000 doses kada araw ang isasagawa sa National Capital Region (NCR) Plus.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bert de Guzman