ni ADOR V. SALUTA

Matapos ang matagal na paghihintay, ngayon ay magbibida na ang aktres na si Yam Concepcion sa bagong serye, ang Init Sa Magdamag.

Sulit naman, aniya, ang paghihintay niya sa kanyang unang lead role dahil maganda ang serye.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Yam

“Fulfilling yung pakiramdam kasi after ten years saka lang ako nagkaroon ng lead role. Ang tagal ko ring naghintay so parang feeling ko isa itong magandang kuwento na i-share sa mga bata na may mag pangarap. Success or dreams, it doesn’t happen overnight. You have to work for it. And along the way you will experience struggles, rejections, and you will question even yourself. Ang daming insecurities pero at the end of the day you kinda just have to believe in yourself and fight for your dream. And of course with prayers and with a little luck you’ll get there.”

Aminado rin ang aktres na nahirapan siya sa kanyang role lalo’t matagal siyang naging kontrabida.

“Nahirapan nga ako eh kasi for two years ang pino-portray ko kontrabida kaya parang nadadala ko ata sa totoong buhay. So yung mga nuances na rolling of the eyes, para akong nagmumukha akong mataray talaga kahit dito kay Rita. Very honest naman yung directors namin kapag nakikita nila na parang hindi na yan si Rita. Parang nakikita nila si Jade or si Dana Wong. So kino-correct naman nila. Wala pa naman ako sa point na kaya ko na.”

Sa gitna ng pandemya, aminado ang aktres na marami siyang naging realization sa buhay.

“Ang dami kong realizations na hindi ko na-appreciate dati yung mga ganito. Tapos ngayon nag-si-sink in na sa akin na wow, this is something I should really be grateful for. So nagapasalamat ako kay direk Ruel Bayani kasi hindi lang dahil I’m getting a lead role or protagonist role but it’s such a great project, napakagandang kuwento. “