ni ROY MABASA

Itinaas ng gobyerno ng United States ang kanilang alerto sa paglalakbay para sa Pilipinas sa Level 4, na nagpatupad ng isang no travel advisory dahil sa "very high" na antas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-2019) sa bansa.

Sa isang advisory na ipinaskil sa opisyal na website nitong Miyerkules (Martes sa Washington, DC), sinabi ng US Department of State na ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay naglabas ng isang Level 4 Travel Health Notice para sa Pilipinas dahil sa COVID-19, na nagpapahiwatig ng napakataas na antas ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa mga patnubay sa CDC, pinayuhan ang mga manlalakbay na Amerikano na iwasan ang lahat ng paglalakbay sa Pilipinas, kahit na fully vaccinated na mga manlalakbay na maaaring mapanganib na mahawa at magkakat ng COVID-19 variants.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang mga kailangang bumiyahe sa Pilipinas sa kabila ng nagaganap na sitwasyon ay pinapayuhan na magpabakuna nang buo bago maglakbay at obserbahan ang mga umiiral nang mga protokol na pangkalusugan tulad ng pagsusuot ng nask, social distancing, pag-iwas sa karamihan ng tao, at paghuhugas ng kamay.

Hanggang Abril 21, 20121, ang Pilipinas ay mayroong 953,106 kabuuang bilang ng kumpirmadong mga kaso ng COVID-19, kasama na ang 809,959 na gumaling, at 16,141 ang namatay, ayon sa online COVID monitoring platform na Worldometer.

Sa world ranking sa mga bansa na may pinakamaraming COVID-19 na kaso, ang Pilipinas ay nasa ika-27 puwesto na ang United States, India, Brazil, France, at Russia ay nasa nangungunang lima.