ALCANTARA — Magkasunod na araw sumabak ang KCS Computer Specialist-Mandaue City, ngunit walang problema sa Warriors.

Naungusan ng Warriors ang determinadong Dumaguete team tungo sa manipis na 79-73 desisyon para tapusin ang kampanya sa first round ng Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa impresibong paraan Miyerkoles ng gabi sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Hataw ang beteranong sina Gryann Mendoza at sumisikat na si Dyll Roncal para sandigan ang KCS sa matikas na opensa sa huling parte ng laro at panatilihin ang kapit sa solong panagalawang puwesto sa six-team tournament tangan ang 4-1 karta. Solo sa unahan ang MJAS Zenith-Talisay City na may 5-0 marka.

Naghabol ang Warriors sa 52-65 tampok ang 16-2 run, sa pangunguna nina Mendoza, Roncal at Jaybie Mantilla para agawin ang kalamangan sa 68-67. Matikas na nakihamok ang Dumaguete para sa palitan ng puntos tungo sa huling pagtabala sa 71-all.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Nakaungos ang Mandaue mula sa split free throw ni Mendoza may 1:18 ang nalalabi sa laro. May pagkakataaon ang Dumaguete na maagaw ang bentahe sa sumunod na play, ngbunit sumablay ang salaksak na tira ni Mark Doligon na naging daan para sa transition play ni Roncal para sa 74-71 bentahe may 28 segundo ang nalalabi sa laro.

Sa kabila ng panalo, hindi naitago ni KCS head coach Mike Reyesang pagkadismaya sa kabiguan ng Mandaue na mapigilan ang ratsada ng Dumaguete sa krusyal na sandali.

"Maybe we are tired from last night's game but that's not an excuse to let go of a 17 point lead," sambit ni Reyes. "We can't let this happen especially in the second round."

Nanguna si Mantilla, dating MVP sa CESAFI, sa Warriors sa naiskor na 21 puntos, limang boards, apat na assists, at apat na steals, habang umiskor sina Doligon at Ronald Roy ng tig-13 puntos. Kumubra si Mendoza ng 20 puntos at 10 rebounds, habang nag-ambag si Rhaffy Octobre ng 13 puntos, siyam na rebounds at siyam na boards, at tumipa si Roncal ng 11 puntos.

Laglag ang Dumaguete sa 1-4 para sa ikalimang puwesto tungo sa ikalawang round ng torneo.

Sisimulan ng KCS-Mandaue ang kampanya sa second round laban sa ARQ Lapu-Lapu ganap na 7:00 ng gabi sa Biyernes.

Iskor:

KCS-Mandaue (79) -- Mendoza 20, October 13, Roncal 11, Solera 6, Bongaciso 6, Cachuela 6, Castro 5, Imperial 4, Soliva 3, Delator 2, Tamsi 2, Nalos 1, Mercader 0.

Dumaguete (73) -- Mantilla 21, Doligon 13, Roy 13, Regalado 6, Gabas 6, Velasquez 6, Aguilar 4, Tomilloso 2, Gonzalgo 2, Porlares 0.

Quarterscores: 21-21, 43-33, 65-62, 79-73