ni Mary Ann Santiago

Nakatakda nang simulan ng Manila City government ang konstruksiyon ng "COVID-19 Field Hospital” na itatayo sa lungsod.

Nabatid na nag-inspeksiyon na sa lugar ni Manila Mayor Isko Moreno, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, National Task Force against COVID-19 chief Carlito Galvez, Jr., MMDA general manager Jojo Garcia at City Engineer Armand Andres.

Ayon kay Moreno, target nilang matapos ang konstruksiyon ng pagamutan na eksklusibo para sa mga pasyente ng COVID-19, sa Hunyo o Hulyo ng taong ito.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Sinabi ng alkalde na layunin nitong makatulong na mapaluwag o ma-decongest ang mga hospital na pinagdadalhan ng COVID patients.

Aniya, sa sandaling magsimula na ang operasyon, tatanggapin nito ang mga pasyente na may mild o moderate na sintomas ng COVID-19.

“We will get ready five months from now or even for December. Bago pa maging huli ang lahat, naghahanda na tayo. We intend to build our seventh hospital in 60 days. Kung nagawa ng Italyano, kaya ng Pilipino,” ayon kay Moreno.

Itatayo ang 336 beds field hospital sa may 2.6 hektaryang lote sa Burnham Green area sa Luneta Park, harapan ng Quirino Grandstand, gamit ang mga container vans.