ALCANTARA — Kumawala ang KCS Computer Specialist-Mandaue sa dikitang duwelo sa krusyal na sandali para maigupo ang ARQ Builders Lapu-Lapu City, 77-66, Martes ng gabi sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg double-round elimination sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Pinangunahan ni Gryann Mendoza, kumana ng 19 puntos at 10 rebounds, ang tikas ng KCS laban sa kulang sa players, ngunit determinadong karibal para sa ikatlong panalo sa apat nalaro (3-1) at makamit ang solong ikalawang puwesto sa likod nang nangungunang MJAS Zenith-Talisay City (5-0).

Nakompleto ng title favorite MJAS Zenith-Talisay City ang makasaysayang first round sweep sa six-team tournament matapos donimahin ang Tabogon, 85065, sa unang laro.

Matikas na nakihamok ang Tabogon sa kaagahan ng laro at nakadikit sa 34-39 sa unang minuto ng third period, ngunit humaribas ang Aquastars , tungo sa 28-10 run para palawigin ang bentahe sa 23 puntos, 67-44, tungo sa final period.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Nag-ambag si Rhaffy Octobre ng 13 puntos sa KCS, sapat para maibsan ang kakulangan sa opensa matapos magtamo ng injury ang team captain nilang si Jerick Canada.

Sa kabila ng kakulangan sa firepower bunsod ang suspension sa ilang star players na nasangkot sa kabalbalan na nagresulta sa pagkabanned ng buong kopona ng Siquijor may isang linggo na ang nakalilipas, nagawang makabante ng Heroes sa unang tatlong minuto, bago rumatsada ang KCS para agawin ang bentahe sa 52-47 tungo sa final period.

Sa kabila ng panalo, ikinalungkot ni KCS head coach Mike Reyes ang naging diskartte ng team sa kabuuan.

“We weren’t sharing the ball. We wanted to beat three people!” sambit ni Reyes.

Bagsak ang ARQ sa 2-2.

Sa kabila ng dominanteng kampanya sa first round, ayaw pakampante ni MJAS-Talisay head coach Aldrin Morante.

"Yung mga teams paghahandaan kami niyan kaya hindi kami puwede magkumpiyansa," pahayag ni Morante. "Babalik na rin yung mga players ng ARQ kaya dapat namin paghandaan 'yun."

Iskor:

KCS-Mandaue (77)—Mendoza 19, Octobre 13, Soliva 10, Imperial 8, Solera 8, Nalos 6, Delator 4, Castro 3, Roncal 2, Mercader 2, Tamsi 2, Cachuela 0, Bonganciso 0.

ARQ Lapu-Lapu (66)—Minguito 16, Berame 12, Galvez 8, Cañada, 7, Abad 6, Arong 4, Mondragon 4, Igot 4, Regero 4, Solis 1.

Quarterscores: 13-21, 32-35, 52-47, 77-66

Talisay (85) -- Cabahug 13, Mojica 13, Gimpayan 9, Eguilos 8, Moralde 7, Dela Cerna 6, Villafranca 4, Hubalde 4, Albina 3, Alvarez 3, Santos 2, Menina 2, Ugsang 2, Cuyos 0.

Tabogon (65) -- Rodriguez 18, Bringas 16, Lacastesantos 13, Delos Reyes 5, Orquina 3, Vitug 3, De Ocampo 3, Sombero 2, Bersabal 2, Diaz 0, Caballero 0.

Quarterscores: 23-13, 39-34, 67-44, 85-65.