MULING nadagdagan ang karangalan sa pahina ng kasaysayan sa chess si Filipino chess living legend Eugene Torre bilang kauna-unahang lalaking player mula sa Asya na naluklok sa World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation para sa 2020.
Napantayan ni Torre, kauna-unahang Asian player na nakasungkit ng Grandmaster title, ang kinalagyan ni dating World women's champion Xie Jun ng China na naisama sa pamosong parangla nitong 2019.
" Very proud tayo kasi tayo ang kauna-unahang Asian Male Player na nominated ng FIDE (World Chess Federation) sa World Chess Hall of Fame," sabi ni Torre na magdiriwang ng kanyang ika-70 na kaarawan sa Nobyembre.
" Si dating World women's champion Xie Jun ng China ang unang nakatangap ng award noong 2019," ani Torre na kasama sina Polish-Argentine Grandmaster Miguel Najdorf at GM Judit Polgar ng Hungary na kasama sa 2020 nominees ng World Chess Federation (FIDE) na pinili ng FIDE historical committee.
"Ang mahalaga nabibigyan na din ng pagkilala ang mga Asyano sa chess lalu na't baby pa tayo sa chess kung ikukumpara sa Russians, Americans and Europeans. May mga nag world champion na din galing sa Asya gaya nina Grandmaster Viswanathan Anand ng India, Xie Jun ng China at maging si Filipino US based Wesley So (World Fischer Random Champion). "
Tatlong player kada taon ang na nominate ayon kay Mr. Casto "Toti" Abundo ng World Chess Federation/ Asian Chess Federation.
"Congratulations to Philippines. FIDE Council met yesterday and nominated Asia's 1st Grandmaster to the World Chess Hall of Fame,"s pahayag ni Abundo, miyembro ng FIDE Historical Committee kasama sina chairman Willy Iclicki ng Belgium, Andrzej ng Poland at Berik Balgabaev ng Kazakhstan.
Ang FIDE Council ay nagkita sa online nitong Abril 19, 2021, para pormal na iluklok ang tatlong legends sa World Chess Hall of Fame sina Miguel Najdorf, Judit Polgar at Torre.
Gaganapin sana ang Induction ng World Chess Hall of Fame sa U.S. pero dahil sa global pandemic hindi napayagan. Mula noong 2001, kabuuang 37 chess greats ang kasama sina Akiba Rubinstein, Mark Taimanov, Tigran Petrosian, Vasily Smyslov, Mikhail Botvinik, Boris Spassky, Mikhail Tal, Alexander Alekhine, Anatoly Karpov at Garry Kasparov.
Ang World Chess Hall of Fame ay established sa 1984 sa St. Louis MIssouri, subalit nitong 2001 nag inducted ng first five players nominated sina FIDE namely Jose Raul Capablanca ng Cuba, Wilhem Steinitz ng Austria, Robert James "Bobby" Fischer at Paul Morphy ng USA at Emmanuel Lasker ng Germany.