ni ORLY L. BARCALA
Nagpasya ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na isailalim sa lockdown ang Barangay 35, dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar.
Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, pansalamatalang isinara ang Block 6, Sawata, Area 2, Maypajo.
Epektibo ang lockdown kahapon ng 12:01 ng umaga at tatagal hanggang Abril 27, ng 11:59 ng hatinggabi.
"Lilimitaham po natin ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa ilang bahagi ng Barangay 35. Magsasagawa rin ng disinfecting operations, malawakang contact tracing at mass swab testing upang agad na maihiwalay ang mga pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 sa publiko," ani Malapitan.
Mahigpit dinmg ipatutupad ang 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umagang curfew, maliban lang sa essential workers at frontliners.
Pinapayuhan ang mga magulang na huwag palabasin ang kanilang mga anak na nasa ang edad ay 17 pababa upang hindi matekitan sa paglabag sa mha ipinatutupad ng safety protocols.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ng kabuuang 38 na aktibong kaso sa Barangay 35.