ni REMY UMEREZ

Pinaghandaan ni Albert Martinez ang maging senior citizen sa pamamagitan ng countdown sa Facebook.

Sa totoo lang bata ang hitsura ng aktor who turned 60 noong April 19. Maalaga ang aktor sa kanyang kalusugan. Regular na work-out at no medication at pawang vitamins at supplements ang kanyang tini-take. Gusto niyang makita hanggang sa paglaki ang mga apo niya.  

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Albert

Bukas na aklat ang buhay ni Albert na isang survivor. “Lahat ng nangyari sa akin made me a better person. Wala akong pinagsisihan at may natutunang aral. Mahirap pero ganyan talaga ang buhay," wika ng aktor.

Sa edad 60 proud ang aktor sa mga accomplishments sa sarili at pamilya. He is at peace at walang poot na namamahay sa puso niya.