ni BELLA GAMOTEA

Sa selda ang bagsak ng tatlong indibiduwal dahil sa pag-iisyu ng pekeng Reverse-Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test kapalit ng P1,500 sa entrapment operation sa isang medical clinic, sa Las Piñas City, kahapon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Frederick Jude y Sena, 46-anyos, radio technician, at residente ng Barangay Talon 1, Las Piñas City; Janice Dasco y Ariada, 35, cashier, residente ng Sabang, Naic, Cavite; at Gabriela Dimaano y Reyes, 21, clerk, ng San Nicolas, Bacoor Cavite.

Unang nakakuha ng pekeng RT-PCR test sa ikinasang validation bago ang joint operation ng mga tauhan ng Intelligence operatives ng District Mobile Force Batallion at District Intelligence Division ng Southern Police District, sa Janric Medical Clinic, dating VMK Medical Clinic, na matatagpuan sa No. 350 Real St., Alabang-Zapote Road, Talon 1, Las Piñas, dakong 4:00 ng hapon.

National

NAIA security personnel, pinagbabawalan nang humawak ng passport ng mga pasahero

Kabilang sa mga nakuhang ebidensiya sa loob ng klinika ay ang RT-PCR tests results na may mga pangalan ng pasyente, at 4 na Rapid Test results.

Nasamsam din ang Certification of Registration, DTI Certificate, Business License at Mayor’s Permit na nakapangalan kay Janice Dasco; disposable lighter ; isang aluminum foiled na nakarolyo, at improvised glass tooter na may bahid pa ng umano'y shabu sa suspek na si Frederick Sena.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong Falsification of Public Documents at karagdagang paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) Section 12 ng (Illegal Possession of Drug Paraphernalia) si Sena.

Sinabi ni SPD chief,Brigadier General Eliseo Cruz na alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DOLG) at Philippine National Police (PNP) na mas paigtingin ang pagtugis sa mga taong gumagawa o nagpoprodyus ng mga peke o bogus na RT-PCR test results.