NEW YORK (AFP) – Arestado ang isang hinihinalang stalker ni pop superstar Taylor Swift matapos tangkaing pasukin ang kanyang New York apartment, pagbabahagi ng awtoridad nitong Lunes.

Kinasuhan si Hanks Johnson, 52, ng criminal trespassing matapos rumesponde ang mga pulis sa isang emergency call nitong Sabado, hinggil sa ulat na may isang tao na nagtatangkang pasukin ang bahay ng singer sa Tribeca neighborhood sa Manhattan.

Taylor

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakalabas naman si Johnson matapos ang isang arraignment sa Manhattan criminal court nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa New York Daily News, pumupunta si Johnson sa building ni Taylor at nagdo-doorbell nang hanggang limang beses sa nakalipas na anim na buwan.

Hindi na bago ang pangyayaring ito para sa 31-anyos na singer—na nagbabalik sa

top charts matapos ang release ng re-recording ng kanyang hit na Fearless album —na ilang beses nang nabiktima ng stalking sa dati niyang mga properties.

Noong Hunyo 2019, isang lalaki mula Iowa ang inaresto matapos magtungo sa Rhode Island, kung saan may bahay ang singer, bitbit ang burglary tools kabilang ang isang aluminum baseball bat at planong “visit”si Taylor.

Ilang beses naman naaresto si Roger Alvarado sa pagtatangka nitong makapasok sa Manhattan home ni Taylor sa nakalipas na mga taon.

Dati nang nabanggit ni Taylor, na “violence” ang isa sa kanyang “greatest fears,” at ilang beses napaulat na gumagamit ito ng facial recognition technology sa ilan niyang concerts upang ma-identify ang potential stalkers sa manonood.