ni STEPHANIE BERNARDINO
Naniniwala ang aktor na si Gerald Anderson na ang kanyang 2011drama series na Budoy ang highlight ng kanyang buhay at karera.
Kaya naman hindi niya maunawaan kung bakit ginagamit ng haters ang kanyang karakter sa serye para atakihin siya o ang ibang tao.
“Para i-bash din ako, ginagamit yung ‘Budoy.’ It’s funny kasi parang, really? I mean, siyempre, kahit anong sabihin ko, hindi naman sila titigil. May mga tao talagang parang walang ibang ginagawa kun’di mang-bash, mang-hate,” pahayag ni Gerald.
“(But) Why? Unang-una hindi ako na-o-offend. Pangalawa, natutuwa pa nga ako na it’s been so long and naaalala pa rin ‘yang character na yan. So yung nang-bash sa akin, isa ka rin sa mga nanuod.”
Giit ni Gerald, lumalabas ang tunay na ugali ng tao kapag nagagalit.
“And for you to use yung character ni Budoy, yung isang special child, parang paano mo nata-type yun? Anong tumatakbo sa isip mo para mag-hate ka and to use a special child to get back at me for whatever reason ung bakit ayaw mo sa akin?” aniya.
“At the end of the day, pag nakikita ko nga iyon – wala yung effect na iniisip nila. It just makes me sad for the other people.”
Pakli pa ng aktor, hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay ginagamit ito laban sa kanya.
“That’s a highlight of my life, of my career… And yung education, nakita ng mga tao kung paano yung buhay ng may special needs at mga tang nag aalala with special need. I will forever be proud, kahit tawagin mo akong Budoy ng paulit-ulit buong buhay ko, it’s something I’ll always be proud of,” saad pa ni Gerald.