ni ARGYLL CYRUS GEDUCOS 

Hindi natinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa kumalat na balitang hindi na susuporta sa kanya ang militar dahil sa umano’y pananahimik nito sa usapin saWest Philippine Sea (WPS).

Ito ang inilabas na pahayag niPresidential Spokesman Harry Roque bilang tugon sa pahayag ngTwitter user na Info Ops na nagsasabing mayroong Viber group na binubuo ng halos 500 miyembro na tumatalakay sa umano’y hindi na pagsuporta ng militar sa kanilangCommander-in-Chief.

Sa isang pulong balitaan kahapon, kinunpirma ni Roque na hindi nababahala ang pangulo sa usapin na inilarawang bilang “kwentong kutsero" o tsismis lang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Hindi po nababahala ang Presidente. Tapat po siya sa Saligang Batas at alam po niya na nirerespeto rin ng ating kasundaluhan ang Saligang Batas,” pagdidiin pa nito.