SA pagpapatuloy ni Kobe Paras sa pangarap na makapaglaro sa abroad, handa ang Chooks-to-Go na panatilihin ang suporta.
"We will continue to support Kobe in his pursuit of having a career abroad. We at Chooks-to-Go continue to believe that he has yet to reach his full potential," pahayag ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas.
"He is not just our ambassador but a son to us. We got his back through thick or thin."
Sa nakalipas na buwan, masinsin ang pakikipag-usap ng pamilya ni Kobe at ni Mascariñas para mailatag ang mga programa para susunod na hakbang ng 6-foot-6 stalwart, higit at nabinbin ang kampanya sa UAAP Season 83 at tuluyang sinuspinde ang Season 84.
Nais man ni Mascariñas na makita si Paras na makapaglaro pa ng isang season sa kanyang alma mater University of the Philippines, tila hindi na bumabata ang 23 anyos cager star.
Kamakailan, nagbukas ng opportunidad kay Paras para magsanay sa Cincinnati at kaagad na kumuha ng flight ang Chooks-to-Go para sa kanyang biyahe sa Los Angeles, California.
"We have Kobe's back through thick and thin," sambit ng sports patron.
Matatandaang noong 2018, ang Chooks-to-Go ang gumabay sa pagbabalik bans ani Kobe mula sa kamapanya sa US NCAA. Isa si Paras sa opisyal na sports ambassador ng Chooks-to-Go.