ni LEONEL M. ABASOLA

Nababahala si Senador Nancy Binay sa kinahinatnan ng pasimuno ng Maginhawa Community Pantry matapos na iulat nito na may mga pulis na nagtatanong kung ano ang kanyang kinaanibang grupo.

Ayon kay Binay, ito na ang umpisa ng "red tagging" ng pamahalaan at sa halip na ayusin nila ang kanilang programa ang inaatupag naman ay ang manakot sa mga tao.

"Ang kalaban ay gutom, hindi ang tumutulong! Ganyan na ba ka-paranoid na pati ang pagtulong sa kapwa ay minamasama? Anong ambag n'yo?"

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“When common people band together to help those who are in need; when volunteers offer a selfless act of serving the people; and when ordinary Filipinos put up community pantries as a pure form of generosity—I don’t see them as enemies of the state, but as champions who have genuine compassion for our people," ani Binay.

Ani lumawak ang nagtayo ng mga sariling Pantry sa buong bansa at nagsilbing inspirasyon nila ang ginawa ni Ana Patricia Non pero ang nakakatakot lamang ay ang makaranas ang 26-anyos na negosyate ng pananakot.

Pansamantalang tinigil ni Non ang operasyon dahil na rin sa usaping seguridad niya at ng volunteers. Humingi na rin siyang tulong sa pamunuan ng Quezon City makaraang tatlong pulis ang nagtanong-tanong na kung ano ang kanyang kinaanibang grupo.

"My heart goes to Patreng (Ana Patricia Non), who has been maliciously red-tagged for having a heart for the poor. ‘Di na ba pwedeng tumulong sa kapwa? Di na ba pwedeng magsalita ng iyong saloobin? Nakakataba ng puso na makitang dumarami ang community pantries, at patunay lang na ang Bayanihan spirit is alive.

“When things seem uncertain, and despairing—community pantries are a testament that hope is not lost. Sharing does not need to have any color or politics," dagdag pa ni Binay.