ni FER TABOY

Magkakaroon ng “cross-training” ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan tuturuan ng mga sundalo at pulis ang isa’t isa sa kanilang mga ispesyalidad.

Ito ay batay sa napagkasunduan ng AFP at PNP sa isinagawang Joint Peace and Security Coordinating Center Meeting noong nakaraang linggo na pinangunahan nina PNP Chief PGen. Debold Sinas at AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana.

Ayon kay PNP Directorate for Operations PMgen. Alfred Corpus ito ay para lalo pang mapahusay ang inter-operability ng mga pulis at sundalo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Paliwanag ni Corpus, kalimitang mga sundalo ang unang nakakarating sa mga insidente sa liblib na lugar, kaya tuturuan ng mga pulis ang mga sundalo sa “evidence preservation” para mapangalagaan ang crime scene bago makarating ang Scene of the crime Operatives (SOCO) ng PNP.

”In certain areas unang nakakarating yung ating mga members ng Armed

Forces of the Philippines (AFP) and its very important that the evidences in that incident must be preserved, kaya kinakailangan ma-orient natin o bigyan natin ng training yung mga sundalo,” sabi ni Maj.Gen. Corpus.

Ang mga sundalo naman aniya, partikular ang mga tauhan ng Phil Air Force ang mas sanay na magpalipad ng helicopter, kaya tuturuan din aniya nila ang mga piloto ng PNP ng mga tactical maneuvers ngayong magkakaroon na ng 18 helicopters ang PNP.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas magiging epektibo ang mga joint operationsng AFP at PNP.

”Yung ating air unit ay nagdadagdag ng mga choppers in due time magkakaroon po tayo ng 18 choppers sa PNP, importante po itong mga piloto natin ay matutunan kung paano magpalipad ng choppers tacticaly,” paliwanag ni Corpus.

Samantala, ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas pinalakas din ng PNP at AFP ang kanilang coordinating mechanisms upang hindi na maulit pa ang mga insidente ng misencounters o friendly fire.

Kapwa siniguro nina Sinas at Sobejana na hindi na mauulit pa ang insidente gaya ng Jolo shooting.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang pagtugis ng PNP at AFP duon sa siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na army officers sa Sulu.

“We have already strengthened the coordinating mechanism na hindi basta-basta mag operate ang PNP sa mga CNN areas without the coordinations of the AFP,” pahayag ni Gen. Sinas.