ni LIGHT A. NOLASCO
Dinakip ng mga awtoridad ang dalawa umanong bumisitang bagitong pulis na naka-assigned sa Metro Manila dahil sa 'indiscriminate firing' sa Barangay Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija nitong Sabado ng umaga.
Ang mga inaresto ay sina Lawrence Natividad, nakatalaga sa Manila Police District's Moriones PCP, residente ng
Novaliches, Quezon City, at Patrolman Rephidim Orozco, ng NCRPO police force ng Tondo, Manila.
Sa report na nakarating kay PRO3 Director, Brig. Gen, ValerianoDe Leon, inaresto ang dalawang pulis matapos makatanggap ng si Bgy. Chairman Isagani Sibayan mula sa ilang residente hinggilsa pagpapaputok ng baril ng dalawang pulis nang walang 'provocation' sa nasabing barangay dakong 10:30 ng umaga.
Nakumpiska kay Natividad ang isang Pietro Berreta pistol, atisang cal. 9mm pistol naman mula kay Orozco, at narekober din sa lugarang walong mga basyo ng bala.
Ayon kay PBGen. De Leon, nasa kostudya na ng Gabaldon Municipal Police Station ang dalawang pulis. Isasailalim sila saparaffin test habang inihahanda ang kasong administratibo at kriminal laban sa kanila.