ni Fer Taboy
Umakyat na sa 51 police personnel ang namatay dahil sa Covid-19 infection ito ang sinabi datos na inilabas ng PNP Health Service kahapon.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at ASCOTF Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nakapagtala ang PNP ng 125 na bagong cases kung saan 118 dito ay mga bagong kaso habang pito ang reinfection.
Sinabi sa report nasa 2,276 na ang naitalang active cases sa buong hanay ng PNP.
Ayon kay Eleazar sa nasabing bilang ng active Covid-19 cases 87 dito ay kasalaukuyang naka confine sa hospital habang 2,189 naman ang nasa mga Isolation facilities.
Nakapagtala naman ang PNP ng 169 recoveries.
Sa kabuuan, sumampa na sa 18,531 ang Covid-19 cases sa PNP, habang nasa 16,204 naman ang total recoveries.
Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) pa rin ang may pinakamaraming Covid-19 cases na may 43, sumunod ang Region 4-A na may 13 at ikatlo ang Police Regional Office 1 na mayruong 11 kaso.
Sinabi ni Eleazar dahil sa mataas pa rin ang kaso ng Covid-19 sa PNP, pinalakas nila ang kanilang testing, sa ngayon nasa 132, 814 o 98.6% police personnel na ang sumailalim na sa RT-PCR tests.