ni Bert de Guzman

Tinalakay ng Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle sa pamumuno ni Pangasinan Rep. Ramon Guico III kasama ang Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG), ang kalagayan ng bakunahan sa Regions 1,2 at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nakikipag-ugnayan si Speaker Lord Allan Velasco sa DOH sa implementasyon ng Philippine Health Facility Development Plan ng DOH. 

Ayon kay Duque, ipinapanukala ni Velasco "to renationalize hospitals to elevate their standards and ensure consistency across the country."     

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Ginawa ni Duque ang pahayag matapos sabihin ni Isabela Rep. Antonio Albano ang pangangailangan sa long-term solution hinggil sa kawalan ng bansa ng primary care facilities na kailangang-kailangan sa panahon ng Covid-19 pandemic.

Umapela sai Albano sa DOH na i-prioritize ang mga ospital na limitado ang pondo kapag ang  "renationalization" ay naisagawa na.

Samantala, inireport ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kasama sina DOH Region 2 Regional Director Rio Magpantay, CAR Regional Director Ruby Constantino, at Region 1 Regional Director Mar Wynn Bello, na patuloy nilang paglalaanan ng mga bakuna ang priority groups sa pagdating ng mga suplay.

Binanggit niya na ang pagbabakuna sa Priority Group A1 o frontline health workers, ay nasa 50 percent sa Region I, 33 percent sa Region 2, at 71 percent sa CAR.