ni BELLA GAMOTEA

Hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA)ang Leronlimab bilang gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil nasa estado pa ito ng clinical trials.

Paglilinaw ng FDA, sa ngayon ay itinuturing pang ‘investigational product’ ang Leronlimab dahil kasalukuyan pang dumaraan ito sa clinical trials para panggamot sa Cancer at Human Immunodeficiency, at pinag-aaralan din kung maaaring gamiting gamot kontra COVID-19.

Kamakailan nag-isyu ang FDA ng Compassionate Special Permit (CSP) para sa mga medical specialist upang magamit ang nasabing gamot para sa mga pasyente.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ang CSP ay ipinagkakaloob lamang bilang special permit sa medical specialists o ospital sa paggamit ng investigational drugs kahit hindi pa ito rehistrado o nasa proseso pa ng registration sa Pilipinas, para gamutin ang mga pasyenteng may malubhang sakit.