ni ROBERT REQUINTINA

Hindi nakalimutan ni basketball star James Yap na batiin ang kanyang anak na si Bimby Aquino sa ika-14 kaarawan nito ngayong araw, Abril 19, bago ang ina na si Kris Aquino sa social media.

Sa Instagram, sinabi ni James na: “HAPPY 14th Birthday Bimb. I Love you no matter what! Wishing you all the best that life can offer. God bless you.”

Kasalukuyang naglalaro si James para sa Rain or Shine Elasto Painters ng Philippine Basketball Association.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Si Bimby ay anak ni James Yap kay Kris Aquino. Taong 2005 ikinasal ang dalawa na kalaunan ay nauwi sa hiwalayan at tuluyang na-annulled ang kasal noong 2012.

As of writing, ay hindi pa bumabati si Kris para sa kaarawan ng kanyang anak sa social media.

Kamakailan lamang, ay ibinahagi ni Kris na lilimitahan niya ang exposures ng kanyang mga anak sa social media.

Bilang regalo, nananatili si Bimby kasama ng kanyang mom Kris habang si Joshua ay mukhang nag-e-enjoy sa pamamalagi nito sa Tarlac kasama ang kanyang uncle, si dating Pangulong Noynoy Aquino.