ni Bella Gamotea

Inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, sa koordinasyon ng Department of Foreign Affairs - Office of the Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs (OUCSCA), ang ID Program para sa mga Pilipino sa Iraq,iniulat kahapon,Abril 18.

Ayon sa Embahada, ito ay bahagi ng kanyang adbokasiya ng pagdodokumento sa lahat ng nasyunal sa Iraq upang makapagbigay ng seguridad at alternatibong paraaan sa pagtukoy o pagkilala sa overseas Filipinos lalo na sa mga kritikal na sitwasyon kung saan ang ilang employers ay kinukumpiska ang  kanilang mga pasaporte sa ilalim ng Kafala system.

Hinihimok ng Embahada ang mga Pinoy na magrehistro para sa ID sa shorturl.at/nMoS1 o magpadala ng email sa [email protected] para sa anumang katanungan. 

Eleksyon

Sam Verzosa, pinutulan ng kable ng kuryente sa campaign sortie sa Tondo