Team Standings W L

MJAS-Talisay 4 0

KCS-Mandaue 2 1

ARQ-Lapu Lapu 2 1

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Tabogon 2 2

Dumaguete 1 3

Tubigon 0 4

Mga Laro Ngayon

(Alcantara Civic Center, Cebu)

3:00 n.h. -- MJAS-Talisay vs Tabogon

7:00 n.g. -- KCS Mandaue vs ARQ-Lapu Lapu

ALCANTARA – Target ng MJAS Zenith-Talisay City ang makasaysayang ‘sweep’ sa first round sa pakikipagtuos sa Tabogon sa pafpapatuloy ng aksiyon sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ngayon sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Nakatakda ang kasaysayan sa kauna-unahang pro basketball league sa South ganap na 3:00 ng hapon, kung saan target ng pre-tournament favortite Aquastars na mahila ang malinis na marka sa 5-0.

Sa kabila ng mapaghamong laban kontra ARQ Builders Lapu-Lapu City nitong Sabado, nagawang maisalba ng Aquastars ang 84-75 panalo para sa solong liderato tangan ang 4-0 karta.

Makakaharap ng Aquastars, pinangungunahan ng beterano at ABL campaigner na si Paulo Hubalde, ang sumisirit na Tabogon side na galling sa impresibong 86-78 panalo laban sa Dumaguete Warriors. Bumida sa naturang panalo ng Tabongon (2-2) si guard Joemari Lacastesantos na nagtipon ng 18 puntos, anim na reboubds, six boards, and nine assists as they improved to 2-2.

Magkakasubukan naman ang KCS Computer Specialist-Mandaue City at ARQ ganap na 7:00 ng gabi. Magkasosyo ang magkaribal na kapwa may 2-1 karta.

Ayon kay KCS head coach Mike Reyes na kailangan nilang magpakatatag sa kabila ng kakulangan sa players ng ARQ matapos ang impresibo nitong pakikibaka sa Aquatars.

“That was inspired basketball,” sambit ni Reyes.

Sasabak ang Lapu-Lapu na wala pa rin ang top guns na sina Reed Juntilla, Jojo Tangkay, Monbert Arong, Ferdinand Lusdoc, at Dawn Ochea, na pinatawan ng suspension sa kabuuan ng first round bilang ‘diciplinary action’ sa kanilang pambabastos sa lkaro laban sa na-banned na Siquijor.