ni MARY ANN SANTIAGO

Nilinaw kahapon ni dating Senador Jinggoy Estrada na hindi binigyan ng mga doktor ng kontrobersiyal na Ivermectin o ng in demand na Linghua Qingwen para gumaling sa COVID-19 ang kanyang ama, si dating Pangulong Joseph Estrada, na nagdiwang ng kanyang ika-84 taong kaarawan ngayong Abril 19.

Silang magkakapatid aniya ay nagkaroon ng diskusyon kung dapat bang bigyan ang kanilang ama ng anti-parasitic drug na ivermectin, gayunman, tumanggi ang mga doktor dahil ito anila ay gamot lamang para sa mga hayop.

“The doctor said, 'I will not give ivermectin to your dad because that is only for animals, I really have to follow the doctor's advice,” aniya.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Matatandaang naging kontrobersiyal ang ivermectin dahil marami ang nagpapatunay na gumaling sila sa COVID-19 matapos na gumamit nito.

Kabilang ang 97-taong gulang na si dating Senador Juan Ponce Enrile sa mga gumamit ng ivermectin, gayundin si Rep. Mike Defensor, na nagsusulong na magamit itong panlunas sa COVID-19 patients sa bansa.