ni Fer Taboy

Bumagal ang galaw ng Bagyong Bising (international name Surigae) habang patungo sa karagatan ng Pilipinas, ayon sa ulat ng PAGASA.

Batay sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA as of 5 umaga kahapon, ang nasabing bagyo ay magdadala ng moderate to heavy rains Eastern Visayas at Bicol region.

Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansang maglandfall ang bagyo dahil may high-pressure area sa kabilang gilid ng bagyo.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Paliwanag naman ni PAGASA weather forecaster Ariel Rojas, magiging pahilaga ang pagkilos ng bagyo at nananatili ang kaniyang sentro sa gitna ng karagatan.

Ang mga sumusunod na lugar na isinailalim sa tropical cyclone wind signal no. 2, ang Catanduanes, Visayas, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Storm signal no. 1, naman sa mga sumusunod na lugar ng Eastern portion of Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud) Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang Burias at Ticao Islands,Biliran, Leyte,Southern Leyte, Northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kasaama ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte, kasama Siargao at Bucas Grande Islands, Northern portion of Surigao del Sur (Cagwait, Tago, Bayabas, Tandag City, Lanuza, Cortes, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal).

Nagbabala naman ang PAGASA na makakaranas ng rough to very hign seas ang northern at eastern seaboard ng Eastern Visayas, kung saan delikadong bumiyahe para sa ibat ibang uri ng sasakyang pandagat.