ni ZALDY COMANDA

TABUK CITY, Kalinga— Labing-tatlong katao ang nasawi at dalawa ang nakaligtas nang mahulog sa irrigation canal ang sinasakyang sports utility vehicle sa Bgy. Bulo, Tabuk City, Kalinga, nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay Police Lt.Col. Radino Belly, hepe ng Tabuk City Police Station, isang black Ford Everest, na may plakang AAK 9184 na minamaneho ni Jail Officer 1 Soy Lope Agtulao, 36, ng BJMP District personnel na nakatalaga sa Bontoc District Jail, Bontoc, Mt. Province at taga-Cagubatan, Tadian, Mt.Province, ay may lulan na 14 katao na patungo sa Bulo Lake, nang aksidenteng mahulog sa irigasyon, dakong alas 6:00 ng gabi.

Nagtulong-tulong, aniya, ang mga residente para maihaon ang lumubog na sasakyan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

SINUSUBUKAN ng mga awtoridad at ilang residente na maiahon ang Ford Everest na nahulog sa irrigation canal matapos umanong mawalan ng kontrol ang drayber sa sasakyan na may 15 pasaherong patungo sana sa isang tourist destination sa Tabuk City, Kalinga. (Larawan mula sa Tabuk City Police)

Dead on arrival sa Mija Kim Medical Center ang 11 sa mga ito. Habang binawian din ng buhay sa Kalinga Provincial Hospital ang dalawa pa sa mga pasahero.

Kinilala ang mga namatay na sina Soy Lope Agtulao, 36, kabilang ang dalawa nitong anak na sina Cydwin Lope Agtulao, 6, Cyan Lope Agtulao, 4, at kapatid nitong si Sony Puking Lope, 22, pawang taga-Bgy. Cagubatan, Tadian, Mt. Province.

Binawian din ng buhay ang ama nitong si Alfredo Cutit Lope, 59; Judilyn Talawec Dumayom, 31, kasama ang anak nitong sinaSeadarn Dumayom, 5, at Jeslyn Dumayom, 4;Remedios Longey Basilio, 56, anak nitong siJessibell Paycao, 27, at mga anak nitong sina Cedric Basilio Paycao, 4 at Scarlet Paycao, 3; atMarlo Gel Perena, 6, pamangkin ni Perez, pawang taga-Purok 1,Bgy. Bulanao, Tabuk City.

Himala namang nakaligtas sa aksidente ang isa pang anak ni Lope na si Cyril Lope Agtulao, 10, at Edith Andiso Perez, 51, na ngayon ay ginagamot sa ospital.