ni Jun Fabon
AGAD nagpatupad ng mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga ang bagong QCPD director at nasakote noon din ang sampung drug suspek sa isinagawang buy-bust operation sa QC sa loob ng 24 oras.
Base sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police
Brigadier General Antonio C Yarra, kinilala ang mga arestadong tulak
na sina Jake Flores, 25-anyos; Jomar Embang, 18-anyos; Ace Teñoso,
27-anyos; sila ay mga residente sa No. 8 Don Pepe St., Brgy. Sto
Domingo, Quezon City; Clarence Abaredes, 18-anyos ng No. 8 G. Araneta
Avenue, QC; at Arturo Almerino, 46-anyos ng No. 14 Ma. Clara St.,
Bgry. Sto Domingo, Quezon City.
Dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa nang matimbog ang mga suspek sa
ikinasang buy-bust at anti- criminality operation ng Laloma Police
Station (PS1) sa No. 8 Don Pepe St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City.
Nakumpiska sa mga tulak ang mga gramo ng shabu na ang halaga ay
P8,000. at buy - bust money.
Samantala, nasakote naman ng Fairview Police Station (PS 5) sa
isinagawang anti- iligal drug operation ang mga drug suspek na sina
Manolito Del Mundo, alias “Manny”, 50-anyos; Romeo Centeno, 62-anyos,
pawang nakatira sa No. 43 San Martin St., Brgy. Gulod, Novaliches,
Wilfredo Alan, 34-anyos ng No. 16 San Nasario St., Brgy. Gulod,
Novaliches, at Michael Del Mundo, 43-anyos ng No. 18 Sta. Maxima St.,
Brgy. Gulod, Novaliches.
Bandang alas - 12:00 kagabi nang masakote ang mga hinihinalang small
time na tulak ng shabu sa may sa No. 43 San Martin St., Brgy. Gulod
matapos masamsaman ng P27,200. halaga ng shabu,cellular phone, at
buy-bust money.
Habang arestado naman ng mga operatiba ng Cubao Police Station (PS 7)
sa ligthning raid dakong alas-9:30 ng gabi sa Banahaw St., Brgy. San
Martin De Porres, Cubao, ang drug pusher na si Rachell Dela Cruz,
alias “Ate”, 39-anyos ng No. 28, Geronimo St., Brgy. Sta Monica,
Novaliches.
Nakumpiska ng mga pulis kay Alyas Ate P20,400. shabu, cellular phone,
at buy-bust money.
Ang mga drug suspek ay agad kinasuhan sa QC Prosecutor Office ng
paglabag sa RA 9165 bago ikinulong sa naturang mga himpilan ng pulisya
sa QC.
“Ang pagkakahuli ng mga suspek ay indikasyon lamang na ang inyong
kapulisan ay hindi tumitigil sa pagsugpo ng iligal na droga sa ating
lungsod. Muli, ako ay humihingi ng tulong sa ating mamamayan na
isumbong kung may kilalang nagtutulak o gumagamit ng droga upang
mahuli po natin sila. Magtulungan po tayo,” saad ni Yarra.