ni Bella Gamotea
Hindi kagandahang balita sa mga motorista.
Matapos ang kakarampot na bawas-presyo nitong linggo, asahan naman ng mga motorista ang napipintong pagpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.80 hanggang P0.90 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P0.60-P0.70 sa diesel at P0.5-P0.60 sa gasolina.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Malimit magpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa araw ng Martes sa kada linggo.
Nitong Abril 13,!huling nagpatupad ng kakarampot na bawas-presyo sa petrolyo, tinapyasan ng 25 sentimos ang gasoline,10 sentimos sa kerosene at wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.