ni Fer Taboy
Nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang isang platoon leader ng New People’s Army matapos na maaresto sa quarantine control check point sa Barangay Saravia, Koronadal City, iniulat kahapon.
Kinumpirma ni Police Col. Jemuel Siason, provincial director ng South Cotabato Police Office (SCPO), ang pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Gemar Gecana a.k.a “Oyen”, 37 anyos at residente ng Barangay Malabuan, Makilala, North Cotabato.
Ayon kay Col. Siason, si Oyen ay platoon leader ng Guerrilla Front 73-Daguma- Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC) at dating CO ng Guerrilla Front 72-ALIP FSMRC na nagsasagawa ng operasyon sa probinsiya ng Sultan Kudarat partikular na sa mga bayan ng Palimbang, Lebak, Kalamansig, Senator Ninoy Aquino (SNA), Bagumbayan at Esperanza.
Sakay si Oyen ng isang Public Utility Vehicle mula bayan ng Polomolok papuntang Koronadal City kung saan gumamit pa ng pekeng Contact Tracing ID ang suspek ngunit kalaunan ay nakilala ito ng mga awtoridad.
Ang nasabing NPA leader ay may dalawang standing warrants of arrests sa kasong attempted murder mula sa RTC Branch 61, Kidapawan City.
Kasama ng 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Koronadal City Police Station, Criminal Investigation and Detection Group-12(CIDG-12) at Regional Intelligence Unit-12.