ni Jun Fabon
Nakapiit ngayon ang isang negosyante at ang kanyang empleyado sa detention cell ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) matapos undayan ng saksak ang isang contractor na pinagkautangan niya ng P2 milyon at dinamay pati ang driver ng huli sa Quezon City, iniulat kahapon.
Sa ulat ni PLt.Col. Elmer Monsalve, hepe ng CIDU, kinilala ang suspek na si Abraham Tan, 37, negosyante, ng Block 4 Lot 1, Pili St., Sorento 5, Bacoor, Cavite, at empleyado sa construction firm nito na si Rogelio Farcon, 41, ng Sto Domingo St., Biñan, Laguna.
Kinasuhan sila ng Quezon City Prosecutors Office ng frustrated muder.
Malubha namang nakaratay sa pagamutan ang contractor na siRaymund Matabang, 38, at driver nitong si Vickson Villaroman,20, kapwa residente ng36 Francis Drive, South Green Park Village, Bahay Toro, Quezon City.
Lumitaw sa imbestigasyon ng CIDU, pasado 12:00 ng tanghali kamakalawa naganap ang insidente sa loob ng sasakyan ng biktima.
Sinundo ng sasakyan ni Matabang ang kausap na si Tan sa Metro Bank Commonwealth Ave., Bgy Fairview, at nagtungo sila sa East West Bank North Fairview Branch upang ideposito ang bayad na P2 milyon utang ni Tan kay Matabang.
Ayon sa report ng CIDU. habang tinatahak ng sasakyan ng biktima ang Commonwealth Ave. sa may North Fairview, bigla na lamang umanong sinaksal ni Tan sa likod si Matabang at driver nito.
Agad din na nasakote ng mga nagrorondang tauhan ng Novaliches Police Station (PS4 ) ang papatakas na si Tan at empleyado nito na si Farcon.
Hinala ng pulisya, dahil P2 milyon ang pagkakautang ni Tan ay nanghinayang itong bayaran si Matabang.