AFP
Ang pandaigdigang bilang ng mga namatay da Covid-19 ay lumagpas na sa tatlong milyon nitong Sabado habang ang pandemya ay patuloy na nagpapabilis sa kabila ng mga kampanya sa pagbabakuna, na nagtutulak sa mga bansa tulad ng India na magpataw ng mga bagong lockdown upang labanan ang tumataas na numero ng impeksyon.
Ito ang pinakabagong malubhang milyahe matapos ang novel coronavirus ay lumitaw sa gitnang China noong Disyembre 2019 at nanghawa ng higit sa 139 milyong katao, naiwan ang bilyun-bilyong higit pa sa mga nakakaparalisa g lockdown at sinira ang pandaigdigang ekonomiya.
Isang average ng higit sa 12,000 pagkamatay ang naitala sa buong mundo araw-araw sa nakaraang linggo, na pinasirit ang pangkalahatang bilang sa mahigit tatlong milyon sa bandang 0830 GMT noong Sabado, ayon sa bilang ng AFP.
Bilang paghahambing, ang tatlong milyong katao ay higit sa populasyon ng Jamaica o Armenia, at tatlong beses sa dami ng namatay sa giyera ng Iran-Iraq na naganap noong 1980-1988.
At ang pandemya ay hindi nagpapakita ng palatandaan ng pagbagal: ang 829,596 na mga bagong impeksyon na iniulat sa buong mundo noong Biyernes ang pinakamataas na bilang, ayon sa bilang ng AFP.
Ang daily average ng 731,000 mga kaso na nakarehistro sa nakaraang linggo ay malapit din sa isang record.
Ang kabisera ng India na New Delhi ay pumasok sa lockdown nitong Sabado habang ang pangalawang pinakamataong bansa sa buong mundo ay naitala ang 234,000 mga bagong kaso at 1,341 ang namatay.
Ang India ay mayroon nang triple ng daily cases ng United States, ang world's worst-hit nation, at ang mga pamilya ay nagsusumikap para sa mga gamot at hospital bed.
Sinabi ni Udaya Regmi ng international Red Cross na ang "truly frightening" South Asian surge ay isang "wake-up call to the world".
"Vaccines must be available to everyone, everywhere, rich and poor to overcome this terrible pandemic," dagdag ni Regmi.
Ang mga mas mayamang bansa na nagsagawa ng mga pagsisikap sa mass inoculation ay nakakita ng pagbagsak ng kanilang mga bilang ng virus. Ang Britain, na nagbigay sa 60 porsyento ng populasyon ng hindi bababa sa isang dosis ng pagbabakuna, ngayon ay nagtala ng halos 30 pagkamatay sa isang araw - mas mababa mula sa 1,200 noong huling bahagi ng Enero.
Naitala ng Thailand ang ikaapat na sunud-sunod na araw nito ng higit sa 1,000 mga bagong kaso noong Sabado, na may mga lumalalang impeksyon na naka-link sa isang nightlife district ng kabisera ng Bangkok nitong buwan.
Sa Japan, ang tumataas na mga kaso ng virus ay nagtaguyod ng haka-haka na ang Olympic Games - ipinagpaliban noong nakaraang taon dahil sa pandemya - ay maaaring kanselahin.
Ang virus ay patuloy na nakakaapekto sa mga kaganapan sa ibang lugar sa mundo. Noong Sabado, si Queen Elizabeth II ng Britain ay nagbigay ng huling paalam sa kanyang yumaong asawa, si Prince Philip, sa isang libing na pinaghigpitan ng coronavirus at malamang na pinanood ng milyun-milyon mula sa malayo. Hiniling sa publiko na lumayo dahil sa pandemya.