ALCANTARA— Nanindigan ang Tabogon sa krusyal na sandali para maisalba ang panalo laban sa Dumaguete, 86-78, habang nanatiling malinis ang marka ng MJAS Zenith-Talisay City Sabado ng gabi sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Southern Cebu.

Naghabol ang Voyagers sa 12 puntos sa second period, ngunit nagpakatatag sa second half, tampok ang 11-5 run ng sa third period para sa 60-55 bentahe.

Hataw si Joemari Lacastesantos sa naiskor na 18 puntos, anim na rebounds at siyam na assists para sa ikalawang panalo sa apat na laro ng Tabogon.

Nag-ambag si Peter De Ocampo ng 15 puntos, habang kumana si Normel Delos Reyes ng 14 puntos, tatlong rebounds, at dalawang steals.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Sunod na makakaharap ng Tabogon ang MJAS-Talisay (4-0) sa Martes, ganap na 4:00 ng hapon, habang mapapalaban ang Dumaguete sa KCS-Mandaue (2-1) sa Miyerkoles ganap na 4:00 ng hapon.

Nanatiling malinis ang karta ng MJAS Zenith-Talisay City matapos pabagsakin ang kulang sa players na ARQ Builders Lapu-Lapu City, 84-75.

Hindi nakalaro sa Heroes ang mga suspindidong sina Jojo Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Dawn Ochea, at Ferdinand Lusdoc bunsod ng konterobersyal nalaro laban sa napatalsik na Siquijor.

Sa kabila nito, nagawang makabante ng Lapu Lapu, ngunit matatag ang MJAS sa pangunhuna ni Patrick Cabahug na kumana ng 17 puntos, limang reboubds at walong assists.

“Kailangan talaga magising ang team namin,” pahayag ni MJAS coach Aldrin Morante. “Lahat ng teams dito gusto kami talunin. Magigising talaga kami ngayon.”

Iskor:

Tabogon (86)—Lacastesantos 18, De Ocampo 15, Delos Reyes 14, Bringas 11, Vitug 8, Sombero 7, Orquina 5, Bersabal 4, Diaz 2, Caballero 2.

Dumaguete (78)—Roy 21, Mantilla 15, Doligon 8, Tomilloso 7, Gabas 6, Nacpil 6, Velasquez 5, Regalado 4, Gonzalgo 4, Aguilar 2, Porlares 0, Ramirez 0.

Quarterscores: 14-23, 35-39, 60-55, 86-78

Talisay City (84)—Eguilos 18, Cabahug 17, Hubalde 16, Gimpayan 9, Menina 9, Mojica 6, Santos 4, Villafranca 2, Moralde 0, Alvarez 0, Jamon 0.

Lapu-Lapu City (75)—Minguito 13, Regero 12, Cañada 10, Arong 10, Mondragon 9, Berame 8, Abad 4, Solis 0, Igot 0.

Quarterscores: 25-15, 40-39, 55-54, 84-75