ni Rizaldy Comanda

Hindi nakapalag ang dalawang itinuring na illegal loggers nang datnan sila ng pulisya at aktong nahuli habang namumutol ng Pine tree sa isang forested area sa Kiltepan, Batalao, Antadao, Sagada, Mountain Province.

Nabatid kay PROCOR Regional Information Officer Maj. Arnie Abellanida, naaktuhan ng mga tauhan ng Sagada MPS sina Nixon Gatilowan Batawang ,20 at Tony Kige-i Gatil-owan,23, tubong Bantey, Tadian. Mt. Province, habang namumutol ng Pine tree na ginawang logs gamit ang undocumented chainsaws with serial numbers.

Ayon kay Abellanida, nagpapatrulya ang mga pulis nang marinig nila ang ingay ng chainsaw, kaya’t agad nila itong pinuntahan, matapos makipag-coordinate sa DENR.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Wala umanong maipakitang dokumento ang dalawa sa legalidad na pamumutol ng puno at paggamit ng chainsaw.

Narekober ng pulisya sa lugar ang apat na piraso ng pine logs at dalawang chainsaw na nagkakahalaga ng P35,000 bawat isa. Ang mga nakakakalat na sawn lumber ay ininbertaryo ni DENR representative Archie Tabbang at dinala sa Sagada MPS, kasama ang dalawang suspek.