ni Bert de Guzman

Sa harap ng mga kongresista ay inamin ni Health Sec. Francisco Duque III na talagang nasa kritikal na antas na ang bed capacity sa mga ospital sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga kaso ng COVID-19.

Sa pagdinig ng House Committee on North Luzon Quadrangle tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng pandemic sa bansa, inihayag din ni Duque na wala ring katiyakan ang tagal ng bisa o efficacy ng coronavirus vaccines na naiturok sa mga tao.

Sinabi niya sa mga mambabatas na anim na siyudad sa NCR ang umabot nasa 100 percent o full occupancy ng intensive care units (ICU) sa kanilang mga ospital.

Eleksyon

Rep. France Castro, Rep. Arlene Brosas, binisita si Ex-VP Leni sa Naga

Ito aniya ang dahilan kung bakit maraming pasyente na dinala sa mga ospital ang naghihintay na lang sa mga ambulansiya o makeshift emergency tents bago ma-admit.

“There are queues in hospitals especially among severe and critical cases." Hindi binanggit ni Duque ang pangalan ng anim na ospital na puno na.

Tungkol sa efficacy o bisa ng bakuna, ganito ang pahayag ni Duque: “For now, there is no sufficient data yet (on how long the Sinovac and AstraZeneca vaccines can provide protection) because these are new vaccines"